Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

PAA SA LUPA
1. Think of a person who made a positive difference in your life. What qualities does that person have that you would like to develop?
Ang taong iyon ay ang aking pinakamamahal kong lola(Margarita ).sapagkat marami siyang alam at kayang gawin dahil siya ay subok nang matatag.
2. Imagine 20 years from now you are surrounded by the most important people in your life. Who are they and what are you going to do? 
Kasama ko ang aking mga mahal sa buhay walang iba kundi ang aking pamilya,mga importanteng taong nasaktan ko,mga importanteng taong nakasakit sa akin,lahat ng taong nagmamahal at akin din namang minahal.
             kami'y magkakaroon ng counceling at testimony sa isa't isa aking patatawarin ang mga nagkasala s akon at
             ako'y hihingi rin naman ng tawad sa mga taong aking nasaktan.
3. If a steel bean (8 inches wide) was placed across two skyscrapers, for what would you be willing to cross? A thousand dollars? A million? Your brother? Fame? Think carefully.
God/Jesus Christ

4. If you could spend one day in a great library studying anything you wanted, what would you study about?
ako'y mananaliksik unang una tungkol sa mga bagay na kinakailangan kong matutunan sa panahon ngayon(Computer) at sa mga bagay na kailangan upang makapamuhay muli sa ikalawang buhay.
5. List 10 things you love to do. It could be singing, dancing, reading, looking at magazines, drawing, daydreaming--anything you absolutely love to do!
sing,dance,draw,laugh,eat,love,repent,care,talk,silence.

6. Describe a time when you were deeply inspired.
The time i'm watching the Passion of the Christ.
               The time of worshiping  Him.
                 Hearing the worship songs for Him.
7. Five years from now, your local paper does a story about you and they want to interview three people--a parent, a brother or sister, and a friend. What would you want them to say about you?
I want them to say what they want  to tell to me.Either bad or good.
8. Think of something that represents you--a rose, a song, an animal ... why does it represent you?
Cloud
9. If  you could spend an hour with any person who ever lived, who would it be? Why that person? What would you ask?
Jesus Christ.Am i going to change for the better to go to heaven?





10. Everyone has one or more talents. Which of the ones above you good at? Or write down ones not listed.
Singing

Lunes, Nobyembre 7, 2011

Ang Tunay na Pilipino

Isa akong guro, kung kaya't para sa aking panimulang sulatin sa aking pagsali sa Pinoy Top Ten, naisipan kong itala ang Sampung Katangiang taglay ang ating lahing Pilipino na aking ipinagmamalaki.

Naging leksyon na namin ito ng aking mga estudyante noon pang unang markahan pa lamang. Itinuturo ito sa mga mag-aarak sa asignaturang Sibika at Kultura. Sa tingin ko, hindi lamang ang mga bata ang palagiang paalalahanan ng mga katangiang ito kundi pati rin tayong mga nakatatanda. Nakakalungkot isipin na sa paglipas ng panahon ay marami nang mga Pilipino ang nakalimot sa mga magagandang katangiang ito na karapat-dapat lamang na ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo.

Heto ang aking listahan:

10. Ang mga Pilipino ay matitipid. Hindi nangangahulugang kuripot ang taong matipid. Sadya lamang na marunong ang Pinoy na mamaluktot kapag maikli ang kumot.

9. Ang mga Pilipino ay mahuhusay na talento. Sino ang hindi nakakakilala kay Lea Salonga sa mundo ng teatro? Heto rin si Charice Pempengco na napahanga ang mga Amerikano sa kanyang pag-awit? Isipin mo na ang kung mapanood nila ang lahat ng mga mang-aawit natin dito sa Pilipinas at baka sila ay mapagod na sa kakapalakpak.

8. Ang mga Pilipino ay masayahin. Pansinin niyo sa mga kuha sa telebisyon tuwing may kalamidad. Hindi mawawala ang mga kuha ng mga Pinoy na nagtatawanan pa rin at nagkukulitan kahit na nahaharap sa matinding problema.

7. Ang mga Pilipino ay magalang. Kaya nga hindi ko pinapalimot sa aking anak at mga estudyante na gumamit ng "po" at "opo". Tayo lang yata ang gumagamit ng mga magagalang na kataga sa pakikipag-usap kahit na hindi sa mga nakatatanda sa atin. Hindi ba't kahit sa mga mensahe sa cellphone ay hindi mawawala ang "poh" sa mga pagbati.

6. Ang mga Pilipino ay malikhain at maparaan. Marami tayong magagaling na imbentor sa bansa. Dahilan sa hirap ng buhay sa atin, ang mga likha nila ay yaong mga makakatulong sa pagtitipid ng kuryente, tubig, at pera. Nakakalungkot lang isipin na sila pa ang hindi nabibigyan ng lubos na suporta galing sa ating pamahalaan.

5. Ang mga Pilipino ay mapagmahal sa pamilya. Hindi kumpleto ang isang okasyon kapag hindi kumpleto ang pamilya. Hindi rin natin basta-basta iniiwan ang ating mga lolo at lola sa mga bahay ng matatanda.

4. Ang mga Pilipino ay masipag at matiyaga. Kaya nga gustong-gusto ng mga dayuhan ng manggagawang Pinoy dahil na rin sa mga katangiang ito.

3. Ang mga Pilipino ay matatag. Walang anumang pagsubok ang makakapagpabagsak sa Pinoy. Sanay na tayong bumagsak, bumangon, at lumaban sa pagsubok.

2. Ang mga Pilipino ay maganda ang kalooban. Mababait ang mga Pinoy. Hindi tayo sanay na makasakit ng damdamin ng iba. Laging handang tumulong ang Pinoy sa mga nangangailangan.

1. Ang mga Pilipino ay madasalin at may takot sa Diyos. Ang ating isang buong taon ay napapalibutan ng sari-saring pagdiriwang na panrelihiyon. Kahit anumang relihiyon pa ito, hindi maipagkakailang ang Diyos (o si Allah sa mga Muslim) ang sentro ng buhay Pinoy.